-- Advertisements --

Pinababantayan ni pangulong ferdinand marcos jr ang price gouging o pagpapatong ng presyo sa mga produkto at serbisyo nang hindi naman dapat dahil wala namang dahilan para ito gawin.

Ito ang tinuran ni pangulong marcos sa gitna ng aniya ay pag baba na ng presyo ng langis sa world market.

Ayon sa  pangulo na base sa  sitwasyon ngayon sa middle east, wala naman silang nakikitang malaking epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ng Presidente kung meron man itong epekto  lalo na kapag tumaas ang presyo ng langis, ay manageable naman.

Dagdag pa nito dahil may nauna nang deklarasyon ng ceasefire,  bumaba ang presyo ng krudo sa world market, na naitala  na lamang sa  69 dollars per barrel kahapon.