Nanawagan si Manibela Chairman Mario “Mar” Valbuena na imbestigahan ang mga buffer o mga reserbang langis ng mga private oil companies kasunod ng agarang pagtaas ng langis dahil sa tumitinding tensyon sa Israel at Iran.
Isa ito sa mga dapat ding gawin ng pamahalaan bukod sa pagbibigay solusyon. Aniya, nasa 10% lang naman na langis ang inaangkat mula sa Iran kaya hindi dapat mataas ang epekto nito sa bentahan ng langis sa bansa. Dagdag pa niya, ang dapat na nilalaan na buffer o reserbang langis ay hindi lang para sa labing limang araw ngunit dapat tiyakin na sasapat ito sa isa hanggang dalawang buwan man lang.
Kaugnay pa nito, sinabi rin ni Valbuena na kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at nakakaapekto na ito sa mga drivers at operators, mananawagan na sila na dagdagan ng piso ang pamasahe para hindi rin sila mahirapan.
https://www.facebook.com/share/v/1FE6npDQtL/