-- Advertisements --

Ibinunyag ni Department of Energy Acting Secretary Sharon Garin na kinausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga oil companies na utay-utayin ang pagpapatupad ng oil price increase.

Kasunod na rin ito ng epekto ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran sa presyuhan ng langis sa international market.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Garin na pagkatapos makausap ng Pangulo ang mga kompanya ng langis noong weekend, agad itong nasundan ng pakikipagpulong nya sa mga oil company kahapon.

Kaya bago mag-alas sais ng gabi, inanunsiyo na ang paghahati sa 5pesos na umento sa presyo ng langis sa dalawang bahagi; P2.60 ngayong araw at P2.60 rin sa June 26.

Ayon kay Garin, dahil staggered ang pagpapatupad ng oil price increase, may pagkakataon daw ang household na makapag plano sa kanilang expenses.