-- Advertisements --

Nagkansela na ng klase ang ilang paaralan sa bansa ngayong araw ng Lunes, Hulyo 7 sa gitna ng masungit na panahon bunsod ng epekto ng habagat at Cyclone Danas (dating Bising).

Sa Ilocos Region, nagkansela na ng klase sa buong probinsiya ng Ilocos Sur sa lahat ng antas sa public at private schools gayundin ang pasok sa public offices.

Nagdeklara na rin ng suspensyon ng klase sa mga bayan ng Lingayen, Sta. Maria, Aguilar, Asingan, Bugallon, Rosales, Sual, at Umingan sa lalawigan ng Pangasinan sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Gayundin sa Aringay at Bauang, La Union sa lahat din ng antas sa public at private schools.

Sa buong lalawigan naman ng Ilocos Norte, suspendido ang klase mula sa preschool hanggang sa elementarya gayundin sa mga bayan ng Basista, Binmaley at Labrador, Pangasinan.

Sa Central Luzon naman, kanselado na ang klase sa may Masantol, Pampanga at sa Masinloc, Zambales sa lahat ng antas sa public at private schools.