Target ng Department of Education (DepEd) na bumuo ng unified guidelines o pamantayan sa pag-anunsyo ng class suspensions.
Layunin nitong mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang tuloy ang pag-aaral sa gitna ng kalamidad at climate disruptions.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, hindi mapipigilan ang bagyo, pero dapat maging mabilis at malinaw ang mga desisyon kapag kaligtasan ng mga bata ang nakataya.
Batay sa datos, bawat araw ng kanselasyon ng klase ay nakakaapekto sa grado ng mga mag-aaral, at mahigit 20 araw ng klase ang nawawala noong nakaraang taon dahil sa masamang panahon.
Kasama sa mga hakbang ng DepEd ang paggawa ng unified advisory system, reporting ng class suspensions, at pagpapalakas ng make-up classes at alternative learning modes upang matiyak na tuloy ang edukasyon, umulan man o umaraw.
















