Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase o paglipat sa alternative delivery mode (ADM) ang maraming local government units (LGUs) sa bansa ngayong Martes, Nobyembre 25, dahil sa epekto ng Tropical Depression Verbena.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nanatili ang lakas ng Bagyong Verbena habang patungo ito sa Negros Island Region kaninang madaling-araw. Inaasahan ng ahensya na lalakas ito bilang tropical storm bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga.
Narito ang mga listahan ng LGU na walang pasok:
METRO MANILA
- Mandaluyong City – Walang face-to-face classes (preschool–Grade 12, ALS); modular/asynchronous learning.
- Pasig City – Preschool hanggang senior high school; shift to ADM.
- Pateros – Walang face-to-face classes (preschool–SHS); shift to ADM.
- San Juan City – Walang pasok sa lahat ng antas.
- Valenzuela City – Walang face-to-face classes (lahat ng antas); kolehiyo lilipat sa online learning.
REHIYON V — BICOL REGION
Albay
- Lahat ng antas, shift to ADM.
Camarines Norte
- Daet, Labo, Mercedes, Paracale – Walang face-to-face; shift to ADM.
- Talisay, Vinzons – Walang pasok, lahat ng antas.
Camarines Sur
- Balatan, Bula, Del Gallego, Iriga City, Milaor, Naga City – Shift to ADM.
- Buhi, Tinambac – Walang pasok, lahat ng antas.
Catanduanes
- Panganiban – Walang pasok.
- Virac – Shift to ADM.
Masbate
- Maraming bayan kabilang ang Aroroy, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpus, San Pascual ang walang pasok.
CALABARZON
Batangas
- Santo Tomas City – Shift to ADM.
Laguna
- San Pablo City – Shift to ADM.
- Quezon Province
- Calauag – Shift to ADM.
- Guinayangan, Tagkawayan – Walang pasok (preschool–SHS).
MIMAROPA
- Buenavista (Marinduque) – Shift to ADM.
- Oriental Mindoro – Walang pasok (preschool–SHS).
- Cuyo, Palawan – Walang pasok hanggang Miyerkules, Nobyembre 26.
- Odiongan (Romblon) – Walang pasok, lahat ng antas.
WESTERN VISAYAS
- Iba’t ibang bayan sa Antique, Aklan, Capiz, Guimaras, at Iloilo ang nagpatupad na ng suspensyon o ADM dahil sa masamang panahon.
CENTRAL VISAYAS
- Bohol – Walang pasok, lahat ng antas.
- Maraming lugar sa Cebu, tulad ng Argao, Minglanilla, Carmen, Dalaguete, Cebu City, at Lapu-Lapu City, ang nagdeklara ng walang pasok o paglipat sa ADM.
EASTERN VISAYAS
- Tacloban City – Walang pasok ang lahat ng antas.
- San Vicente (Northern Samar) at Gandara (Samar) – Walang pasok.
NORTHERN MINDANAO
- Calamba at Panaon (Misamis Occidental) – Walang pasok.
- Misamis Oriental, kabilang ang Villanueva at Cagayan de Oro, ay may suspensyon o ADM.
CARAGA
- Tandag City (Surigao del Sur) – Shift to ADM.
NEGROS ISLAND REGION
- Maraming bayan at lungsod sa Negros Occidental, tulad ng San Carlos City, Sagay City, Bago City, Bacolod City, at Victorias City ang nagdeklara ng walang pasok, habang ang iba ay lumipat sa ADM.
















