-- Advertisements --

Sinuspinde ng ilang local government units (LGU) ang klase sa Lunes, Enero 5, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng shearline, ayon sa state weather bureau.

Apektado ng shearline ang ilang bahagi ng Bicol Region at Visayas na nagdudulot ng maulang panahon at maulap na kalangitan.

Narito ang listahan ng mga lugar na nagdeklara ng suspensiyon ng klase:

EASTERN VISAYAS

  • Tacloban City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Tanauan, Leyte – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Babatngon, Leyte – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Caibiran, Biliran – Lahat ng antas, pampublikong paaralan lamang
  • Northern Samar – Lahat ng antas, pampubliko at pribado

BICOL REGION

Caramoan, Camarines Sur – Lahat ng antas, pampubliko at pribado

Pinapayuhan ang mga magulang, estudyante, at guro na patuloy na mag-monitor ng opisyal na anunsiyo mula sa lokal na pamahalaan at mga paaralan para sa karagdagang updates.