Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na wala pang nakikitang malakihang epekto ang pagtaas ng presyo ng krudo at ng petrolyo sa mga presyo ngayon ng mga pangunahing bilhin sa mga pamilihan.
Iyan ang siniguro ni Assistant Secretary for Special Concerns and Official Development Assistance at Spokesperson Engr. Arnel De Mesa na bagamat nagtaas na ng halos P5 ang presyo ng gasolina ay hindi pa naman ito mararamdaman sa mga agricultural products sa ngayon.
Aniya, simula kahapon hanggang ngayong araw ay wala pa namang nakikitang malaking pagbabago o pagtaas ng presyo ngayon ng mga bilihin sa kabila ng dalawang beses na pagtataas ng presyo ng gasolina ngayong linggo.
Kasunod nito ay tiniyak naman ng departamento na hindi ito sasamantalahin ng mga retailers lalo na at naramdaman na sa transportation sector ang malaking pagtaas sa presyo gasolina.
Aniya, patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan, sa mga pulis at sa iba’t bang mga kooperatiba at mga asosasyon para matiyak na siyang nakabantay sa mga retailers na maaring abussuhin ang sitwasyon na magkkaroon biglaang pagtaas ng presyo.
Maliban dito ay tiniyak naman ni De Mesa na nakamonitor din ang kanilang ahensya sa mga bagsakan ng mga produkto at pinapanatili rin ang full coordination sa mga biyaheros para malaman din ng DA ang mga magiging pagglaw ng presyo kung sakali.
Samantala, payo niya sa mga mamimili, kabisaduhin at alamin ang mga presyuhan ng mga bilihin sa mga pamilihan upang maiwasang mapagsamantalahan ng mga retailers.
Patuloy namang imomonitor ng ahensya ang galaw sa mga presyo upang agad na macheck kung tama pa ba ang mga presyo na itinatalaga ng mga retailers sa kanilang mga produkto.