Nakaamba na naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong langis ngayong linggo.

Maglalaro sa P0.30- P0.40 ang itataas sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.50-P0.60 ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Wala namang pagtaas sa presyo ng mga gasolina.

Magsisimula ang pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa Martes, Disyembre 17.