Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero, DOE Oil Industry Management Bureau Director III, na maaring maglaro mula P2.50 hanggang P3.00 kada litro ang taas presyo ng gasolina.
Habang ang diesel ay maglalaro mula P4.30 hanggang P4.80 kada litro at ang kerosene ay magtataas ng mula P4.25 hanggang P4.40 kada litro.
Dagdag pa ng opisyal na nitong Miiyerkules ay tumaas ng halos $3 kada bareles ang diesel kung saan maaaring magtaas ng hanggagn P5.00 kada litro ito.
Huling nakaranas ng P5.00 pagtaas ng diesel ay noong Marso 2022 matapos na pagbawalan ni dating US President Joe Biden ang import ng Russian oil, liquefied natural gas at coal sa US.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang taas presyo ng produktong petrolyo na karaniwang ipinapatupad sa araw ng Martes.