Hindi na pinaporma ng NorthPort Batang Pier ang Barangay Ginebra para matiyak ang pagpasok sa quarterfinals 100-97.

Nanguna sa panalo ang rookie ng North Port na si Robert Bolick na nagtala ng 24 points.

Nag-ambag naman ng 19 points si Sean Anthony habang mayroong 17 points si Mo Tautuaa.

Kuntento naman si NorthPort coach Pido Jarencio at sinabing ginawa nila ang kanilang makakaya para matiyak ang pagpasok sa quarterfinals.