-- Advertisements --

Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Executive Director Greg Pua Jrna kasunod ng paglunsad ng MMDA ng Road Safety Plan para sa mga nangyayaring aksidente sa kalsada, mas hihigpitan nila ang pag-iissue ng mga lisensya sa mga motorista.

Aniya, sisiguraduhin nila na dadaan ang mga kumukuha ng lisensya sa driver’s education at seminars.

Dagdag pa niya, isa rin sa kanilang hihigpitan ang motorcycle registration.

Sisiguraduhin nila na hindi na lamang basta-bastang makakapagrehistro ngunit kakailanganin na dumaan din sila sa masusing inspeksyon ng tanggapan.

Naniniwala kasi si Pua na ang mga aksidente sa daan ay nagmumula rin sa mechanical defect na maaaring maiwasan kung mahigpit at masusi ang pag-iissue ng lisensya sa mga motorista.