-- Advertisements --

Inihahanda na ni Senator Risa Hontiveros ang kasagutan nito laban sa kasong harasment at kasinungalingan na ipinakalat ng dating witness nito sa Senate hearing.

Ito ay kasunod ng paglantad ng isang Michael Maurillo o alyas “Rene” na nagsabing pinilit siya ng senador para tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at kay Pastor Apollo Quiboloy.

Una ng sinabi ng senador na mayroon silang ebidensya na ang sinasabi ng alyas “Rene” ay pawang kasinungalingan.

Lahat aniya ng mga testigo na iprinisenta sa senado ay boluntaryo at malayang nagpahayag ng kanilang testimonya.

Giit pa nito na mayroon silang mga papeles mula pa sa iba’t-ibang ahensiya na nagpapatunay sa nasabin paratang laban sa mga nabanggit na opsiyal.

Malaki rin ang paniniwala ng senador na pakawala at binayaran ito ni Quiboloy para sirain ang reputasyon ng senado.