Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang karagatang bahagi ng northern California.

Ayon sa US Geological Survey, nangyari ang pagyanig malapit sa Petrolia, California.

Wala namang naiulat na nasawi o mga gumuhong gusali dahil sa pagyanig.

Pinawi rin ng mga otoridad ang panganib ng tsunami sa nasabing lugar.