-- Advertisements --

Tiniyak ni 1Tahanan Party-list Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado na isusulong nito ang mga panukalang batas na magpapaangat at magpapalakas sa maritime sector sa bansa.

Ito’y matapos, nakipagpulong si Oducado sa mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) kung saan kanilang tinalakay ang mga panukalang ihahain ng Kongresista sa 20th Congress na magpapabuti sa maritime industry.

Sa nasabing pulong, inilatag ng MARINA ang ilang key proposals kabilang dito ang Philippine Ship Registry.

Sa pamamagitan nito ay mas maraming Filipino-owned ships ang maglalayag habang ipinagmamalaki ang ating watawat na tumatalima sa international standards.

“This is one of the legislative priorities I am determined to push forward, because I believe that a strong maritime industry is crucial not only in boosting economic our economy through trade and transportation, but also in creating jobs, driving regional development, and strengthening national security”, giit ni Oducado.

Natalakay din sa nasabing pulong ang pagpapaunlad sa shipbuilding at ship repair (SBSR) industry, na may malawak na potensyal upang iposisyon ang Pilipinas bilang isang “maritime innovation” at “skilled labor hub” sa Asya.

Ipinaliwanag ni Oducado na ang bansa ay isang “premier source” ng sea-based manpower na may 578,672 seafarers, base sa datos ng MARINA noong 2023.

Iginiit ng mambabatas na mayroong shipyards ang Pilipinas na nagsisilbi sa ship repairers, boatbuilders at shipbreakers sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.

Binigyang-diin pa ni Rep. Oducado na ang Pilipinas ay itinuturing na maritime country, bilang ito ay isang archipelagic nation na binubuo ng mahigit pitong libong isla.

Hindi lamang aniya natural borders ang karagatan kundi nagsisilbi ring economic lifelines, strategic assets at malaking bahagi ng kultura at pagkakakilanlan.