-- Advertisements --
Tinapos ng House of Representatives ang kanilang plenary deliberation para sa 2027 national budget.
Dakong alas-10 ng gabi nitong Biyernes ng ipinanukala ni House Majority Leader Sandro Marcos na isara na ang period of sponsorship and debate sa House Bill 10858 o ang 2027 National Budget.
Walang mga mambabatas ang komontra kaya tuluyan na nilang isinara ang plenary delibration na nagsimula pa noong Setyembre 15.
Magugunitang aabot sa P7.2-trillion ang panukalang national budget para sa taong 2027.
















