-- Advertisements --

Naghain ang sampung miyembro ng House of Representatives ng resolusyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ideklara si Chinese Ambassador Jing Quan ng persona non grata.

Kaugnay ito ng pahayag ni Jing Quan, kung sinabi nito na madali lamang na makakalamang ang China sa Pilipinas kung gagamit ito ng pwersa. Naging hudyat ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga senador sa bansa.

Kabilang sa mga naghain ng House Resolution No. 1562 sina Representative Ziaur-Rahman Alonto Adiong, Adrian Michael Amatong, Kaka Bag-ao, Percival Cendaña, Leila de Lima, Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula, Cielo Krisel Lagman, Karl Fernandez Legazpi, at Mark Anthony Santos.

Hiniling din ng mga mambabatas kay pangulong Marcos na bigyan ng seryosong konsiderasyon ang kanilang appeal kaugnay sa binitawang pahayag ng Chinese ambassador.

Sa joint statement pa ng mga lawmaker, sinabi ng mga ito na malinaw na hindi na kanais-nais ang pananatili ng ambassador sa Pilipinas. at hindi na dapat patuloy na tanggapin ang isang dayuhang na nagpakita ng kawalang-galang sa soberanya ng bansa.