-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Bogota, sa Colombia.

Ayon sa United States Geological Survey, na ang mababaw na lindol ay tumama sa Paratebueno City sa central Colombia.

Mayroong lalim ito na 170 kilometers at ang epicenter nito ay sa silangang bahagi ng Bogota.

Walang naitalang anumang nasawi o nasugatan sa insidente kung saan ang pagyanig ay naramdaman din sa mga lungsod ng Medellin, Cali at Manizales.