Naghain ng petisyon ang mga abogado ng American rapper na si Sean “Diddy” Combs ng pansamantalang paglaya nito.
Base sa petisyon na isinumite sa judge na mayroong $1-milyon na bond na pirmado ng ina, kapatid at dating asawa ng rapper.
Pagbabawalan din itong bumiyahe sa bahagi ng Florida, Calfornia, New York at New Jersey.
Kasama rin sa kondisyon ang pagsurender ng kaniyang pasaport, drug testing ng pretrial services at ilang mga mga standard condition ng pretrial supervision.
Ang nasabing sulat ay bilang bahagi habang hinihintay nila ng paghatol ng korte sa kaniya.
Magugunitang napatunayan ng federal jury na guilty ang 55-anyo na rapper sa transportation to engage in prostitution pero nabasura naman ang karamihang seryosong kaso.
Magugunitang kinasuhan si Combs ng racketeering conspiracy at dalawang counts ng bawat sex trafficking at transportation to engage in prostitution.
Dahil dito ay mahaharap siya sa pagkakakulong ng hanggang 10 taon.