-- Advertisements --

Tiniyak ni Pinay tennis star Alex Eala na ito ay babawi sa mga magkakasunod na pagkatalo niya.

Nakatakda kasi itong sumabak sa WTA 1000 Dubai Tennis Championship na magsisimula sa Pebrero 15.

Sinabi nito na kahit talo ito sa nagdaang Qatar Open ay babawi siya sa Dubai Open.

Pagkatapos ang laban nito sa Dubai ay magtutungo ang ranked 40 tennis star sa US.

Sasabak ito sa Indian Wells Open o BNP Paribas Open sa California mula Marso 4 hanggang 15 at Miami Open na magsisimula mula Marso 17 hanggang 29.