-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa tatlong skiers na natabunan ng avalanche sa Lake Tahoe , California.

Ayon sa Nevada County Sheriff’s Office na mayroong siyam na backcountry skiers ang unang naiulat na na-trap subalit nailigtas nila ang anim.

Unang naiulat ang avalanche sa Castle Peak area sa bayan ng Truckee.

Dinala na sa pagamutan ang mga nailigtas na skiers.