-- Advertisements --
Kinumpirma ni dating Presidential spokesperson Atty.Harry Roque na humiling ito sa International Criminal Police Organization o Interpol na huwag siyang isailalim sa red notice.
Ayon kay Roque na mayroon pa kasi itong nakabinbin na asylum application.
Dagdag pa nito na tinanggap ng interpol ang pagkontra niya sa request ng gobyerno ng Pilipinas na maisailalim ito sa red notice.
Nagsumite rin ito ng mga dokumento ukol sa pag-apply niya ng asylum.
Magugunitang nasa the Netherlands si Roque matapos na idawit umano ito sa ni-raid na Philippine offshore gaming operations (POGO) sa Pampanga.













