Ipinagtanggol ni US President Donald Trump ang pagpapakalat niiya ng mga National Guard sa Los Angeles.
Sinabi nito na walang silbi ang mga namumuno sa California na sina Governor Gavin Newsom at Los Angeles Mayor Karen Bass dahil sa hindi nila makontrol ang mga tao.
Dumepensa naman si Mayor Bass kung saan nananahimik lamang sila at naging magulo lamang ng magsagawa ng immigration raids.
Basta na lamang umano nila inaresto ang mga tao kaya nagresulta sa pagkakaroon ng malawakang kilos protesta.
Aabot naman sa 100 katao ang naaresto ng mga kapulisan sa Los Angeles dahil sa ginagawa nilang pagsira sa ilang mga gusali ng gobyerno.
Magugunitang desidido rin si California Governor Newsom na magsampa ng kaso laban kay Trump dahil sa pagpapakalat nito ng National Guard ng hindi ipinaalam sa kanila.