-- Advertisements --

Umapela sa Supreme Court si dating executive secretary Victor Rodriguez upang ipawalang-bisa ang September 23, 2026 ruling ng Senate impeachment tribunal na nagbago sa computation ng voting threshold para sa conviction.

Hiniling din ni Rodriguez ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order o TRO upang pigilan ang impeachment tribunal na magsagawa o magpatupad ng conviction vote batay sa bagong ruling.

Iginiit ni Rodriguez na dapat manatili ang 24 na miyembro ng Senado bilang constitutional denominator, alinsunod sa Article XI, section 3(6) ng 1987 constitution na nangangailangan ng two-thirds ng lahat ng senador para sa conviction.

Hiniling din niya sa SC na ibalik ang July 6 ruling na nagtakda ng 16 votes bilang kinakailangan para sa conviction.

Aniya, ang bagong ruling ay nagpapahintulot sa pagbabago ng denominator batay sa mga senador na itinuturing na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa impeachment proceedings.

Ayon kay Rodriguez, may malawak na constitutional implications ang usapin dahil maaaring makaapekto ang ruling sa mga susunod na impeachment proceedings.

Nasa decision-writing period ang Supreme Court hanggang Setyembre 30 at magpapatuloy ang mga sesyon nito sa unang linggo ng Oktubre.