-- Advertisements --

Desidido si California Governor Gavin Newsom na magsampa ng kaso laban sa administrasyon ni US President Donald Trump.

Ito ay matapos na magpakalat sila ng mga National Guard ng hindi man lamang ipinalaam sa kanila.

Giit nito na iligal ang ginawa ni Trump na utusan ng basta ang National Guard.

Dahil sa ginawa niya ito sa California ay malamang magagawa rin niya ito sa ibang mga estado ng US.

Labag umano sa konstitusyon ng US ang nasabing pagpapakalat ng Trump ng National Guard.

Magugunitang ipinakalat ni Trump ang National Guard para pigilan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta na kontra sa immigration policy ng US.