-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni NLEX guard Calvin Oftana ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan habang nakatoga.

Nagtapos kasi ito ng Business Administration at major sa Marketing Management sa San Beda College.

Pinasalamatan nito ang Maykapal at ang San Beda University dahil sa kaniyang pagtatapos.

Naging third overall pick ng 2021 PBA Draft si Oftana at naglaro ito sa San Beda Red Lions kung saan naging bahagi siya sa tatlong NCAA title at nakuha ang Season 95 Most Valuable Player noong 2019.

-- Advertisement --