-- Advertisements --

Tinambakan ng NLEX ang Terrafirma 117-87 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng NLEX si Brandon Ramirez na nagtala ng 17 points at 19 rebounds habang mayroong 15 points si Robbie Herndon.

Dominado ng Road Warriors ang laro kung saan sa unang quarter pa lamang ay hawak na nila ang kalamangan.

Mayroon ng limang panalo at isang talo ang NLEX habang ang Terrafirma ay mayroong isang panalo at anim na talo.