Good News para sa mga motorista!
Maaari nang madaanan ng mga motorista ang westbound ng Marilao Bridge patungo sa MacArthur Highway.
Partikular na maaaring gumamit ng kalsada ay mga sasakyan na Class 1 at Class 2 vehicles.
Ayon sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, natapos na kasi ang formworks sa westbound portion ng naturang tulay.
Bukod dito ay sinabi ng korporasyon ay ipinapatupad na rin ang stop-and-go scheme sa eastbound direction patungo sa San Jose del Monte City sa lalawigan ng Bulacan.
Maaalalang nasira ang bahagi ng Marilao Bridge dahil sa sumabit na malaking truck dahilan para limitahan ito sa mga motorista.
Inanunsyo naman ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na maaari nang madaanan ang lahat ng apat na linya ng NLEX Marilao northbound.