-- Advertisements --

Nanatiling walang talo ang NLEX Road Warriors matapos nitong pigilan ang San Miguel Beermen para makuha ang 110-96 panalo sa PBA Season 50 Governors’ Cup nitong Linggo.

Pinangunahan ni DeQuan Jones ang NLEX sa kanyang 27 points at 10 rebounds, habang nakapagambag si Schonny Winston ng 24 points para tulungan ang koponan na makuha ang ikaapat na sunod na panalo at manatili sa liderato ng Group A.

Muntik makabalik ang San Miguel matapos bawasan ang 25 points na kalamangan ng NLEX sa pangunguna ni Don Trollano, ngunit hindi nagpatalo ang Road Warriors at sinelyuhan ang panalo sa pamamagitan ng last three point sa first three quarters ng laro.

Nanguna naman para sa Beermen si George King na may 31 points, habang nagtala sina Trollano ng 16 at June Mar Fajardo ng 15 points.

Ito ang unang talo ng San Miguel matapos ang pagbabalik ni coach Leo Austria, na patuloy pa ring nagpapagaling matapos ang angioplasty.