-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng NLEX Road Warriors ang Converge FiberXers 88-83 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Ito na ang pang-anim na sunod na panalo ng NLEX kung saan mayroon na silang anim na panalo at isang talo habang ang Converge ay mayroong limang panalo at apat na talo sa laro na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Bumida sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 19 points, 10 assists at pitong rebounds habang mayroong 18 points at apat na rebounds si Xyrus Torres.

Mayroong tig-10 puntos naman sina Anthony Semerad at Javee Mocon.

Nasayang namanan ang nagawang 21 points at 10 rebounds si Justine Baltazar at 17 points ni Alec Stocton para sa Converge.