-- Advertisements --
Tinapos na ng NorthPort Batang Pier ang kanilang walong sunod na pagkatalo matapos malusutan ang NLEX Road Warriors 113-108.
Ang panalo ay nagresulta sa pagharang sa NLEX para makuha ang top standing sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Hawak pa ng NLEX ang kalamangan sa first half 54-46 hanggang sa tuluyan silang umarangkada pagpasok ng second half.
Bumida sa panalo ng North Port si Cade Flores na nagtala ng 26 points , 15 rebounds , dalawang assists at dalawang steals habang mayroong21 points Fran Yu habang mayroong 19 points, walong rebounds, apat na assists at limang steals si Calvin Abueva.
Nasayang naman ang nagawang 21 points ni Robbie Herndon para sa NLEX.