-- Advertisements --
Nalusutan ng NLEX Road Warriors ang Magnolia Hotshots Timplados 107-99 sa PBA 49th Philippine Cup.
Nahabol ng NLEX ang 19-points na kalamangan ng Magnolia para maitala nila ang walong panalo at dalawang talo habang ang Magnolia ay Mayroong pitong panalo at tatlong talo.
Bumida sa panalo ng TNT si Robert Bolick na mayroong 25 points habang mayroong 22 points naman ang naitala ni Xyrus Torres at 18 points ang naitala ni Brandon Ramirez.
Hindi naman umubra ang 23 points ni Zav Lucero at 21 points ni Ian Sangalang para sa Hotshots.