-- Advertisements --
Nakuha Rain or Shine ang unang panalo sa Quarterfinals matapos malusutan ng NLEX Road Warriors 92-89 sa nagpapatuloy na Season 49 Philippine Cup Quarterfinals sa PhilSport Arena sa Pasig City.
Bumida sa panalo ng Elasto Painters Jhonard Clarito na nagtala ng 20 points at21 rebounds habang mayroong 20 points, limang rebounds, dalawang steals at dalawang assists si Adrian Nocum.
Ayon kay RoS head coach Yeng Guiao, na naging matiyaga lamang sila at ang sipag na ipinakita ni Clarito.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa araw ng Sabado sa Ninoy Aquino Stadium at ang mananalo ay aabanse sa semifinals.