-- Advertisements --

Dumepensa ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ukol sa pagtaas ng electricity bill ng ilang mga consumers.

Ayon sa NGCP na mayroong 2.98 percent lamang ang kanilang kinokolekta sa mga electricity bill mula sa power generators at distributors.

Bagamat privatized na sila ay nangungulekta ng mababang transmission charges noong sila ay pinapatakbo ng gobyerno.

Giit nila na ang mga kabahayan ay gumagastos kadalasan sa power generation at distribution at hindi sa transmission charge ng NGCP.

Sa typical na electricity bill ay mayroong 50.21 percent dito ay sa generation charges habang 21.98 percent naman sa dristribution charges at ang NGCP ay nasa 2.98 percent lamang.