Nangako ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipagpapatuloy nito ang mabilisang restoration ng mga transmission lines at mga pasilidad na nasira ng mga nakaraang bagyo, kabilang nariyan ang Super Typhoon Uwan.
Batay sa opisyal aabot sa 16 na transmission structures ang natumba bunsod ng paghagupit ng bagyo, habang 12 dito ang tumagilid at 26 iba pang pasilidad din ang putol ang mga kable.
Apektado rito ang transmission service sa Mountain Province, at may partial service naman sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Quezon. Habang sa Visayas, Northern Samar lamang ang iniulat na apektado.
Ayon pa sa NGCP, wala pang tiyak na halaga ng pinsala ang kanilang tinatayang halaga, ngunit binigyan sila ng Department of Energy ng 10 araw upang maibalik ang mga transmission lines sa mga apektadong lugar.
Samantala, inihayag ng NGCP ang bahagyang pagtaas sa transmission rates ngayong buwan. Kung saan ang Ang Ancillary Service (AS) rates nito ay tumaas ng P0.0997/kWh, mula sa P0.6546/kWh noong Setyembre.
















