Asahan na ng mga customer ng Meralco ang kaunting ginhawa sa kanilang bill matapos i-anunsiyo ng power distributor ang bawas sa kuryente para sa billing period ng Enero, 2026.
Ayon Meralco nitong Lunes, bumaba ang power rates ng P0.1637 kada kilowatt-hour (kWh).
Kung kaya’t para sa isang household na kumokonsumo ng 200 kWh, katumbas ito ng humigit-kumulang P33 na matitipid.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagbaba ng presyo ay dahil sa mas mababang transmission charges. Kung saan ang residential transmission rates ay bumaba dahil sa mas mababang ancillary service charges na binabayaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Dagdag pa rito, nakaapekto rin aniya sa pagbaba ng rate ang mas mababang generation charges at ang presyo ng kuryente sa spot market.
Dagdag pa ng Meralco, mas malaki sana ang pagbawas kung hindi lang ito bahagyang nabawasan ng mas mataas na singil mula sa Independent Power Producers (IPPs) at ang mahina na halaga ng piso kontra dolyar.
















