Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong hapon ng Miyerkules dahil sa forced outage sa ilang planta ng kuryente.
Magiging epektibo ito mamayang alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa 14 na planta ang nag-forced outage sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang Nobiyembre. Nasa 4 dito ay mula pa noong 2024 habang ang dalawang iba pang planta ng kuryente ay simula pa noong 2023.
Mayroon namang apat na planta ang gumagana sa derated capacities o bawas na kapasidad.
Sa kabuuan, nasa 898.6 megawatts ang hindi available sa Visayas grid.
Mayroong available capacity ang Visayas Grid na 2,694 megawatts na kayang makatugon pa sa peak demand na 2,351 megawatts.
Samantala, nananatiling nasa normal na kondisyon naman ang Luzon at Mindanado grid.















