Kinuha ng Brooklyn Nets si Hall of Fame point guard Steve Nash bilang kanilang bagong head coach.
Pumirma ito ng apat na taon kontrata para pamunuan ang Nets.
Mula ng magretiro ito sa paglalaro noong 2014 ay naging player development consultant siya ng Golden State Warriors kung saan nagwagi ang koponan noong 2017 at 2018.
Sinabi nito na ang coaching ay isa sa mga nasi niyang ipursige kapag dumating na ang tamang oras at ito ay nagagalak dahil sa napili siya ng Brooklyn.
Sabik na rin itong maging coach at nakatakda na siya kasama ang pamilya nito na lumipat sa Brooklyn.
Ang pagkakapili kay Nash ay ikinagulat ng maraming basketball fans dahil matunog na nasa listahan ay sina legendary coach Gregg Popovich, Jeff Van Gundy at NBA assistant Ty Lue, Jason Kidd at Ime Udoka.
Sinabi pa ng 46-anyos na si Nash na isang malaking karangalan na makasama sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Magiging lead assistant naman nito si Jacque Vaughn na siyang nagdala sa Nets sa seventh seed sa Easter Conference playoffs bilang interim coach.
Noong March ay naging interim coach ng Nets si Vaughn ng tanggalin nila si Kenny Atkinson.
Dinala nito ang Nets na 5-3 record sa seeding schedule sa Orlando bubble subalit nabigo sila sa first round playoff sa Toronto Raptors.