-- Advertisements --

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang higit sa P20.4 milyong halaga ng shabu sa Cebu sa isang buy-bust operation.

Sa operasyon, naretso ang isnag negosyante na kinilala bilang si alyas ‘Ann’ 36 anyos na isang flower shop owner.

Naaresto ang suspek sa Barangay Cansojong, Talisay City nitong Sabado sa pangunguna ng mga operatiba mula sa PDEA-Central Visayas, Philippine National Police Drug Enforcement Group at maging ng Naval Forces Central.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may tombang at bigat na tatlong kilo, nasabat din ang buy-bust money, dalawang smartphones, ibat ibang identification cards, ATM cards at ilang mga transaction notes.

Samantala, ang mga iligal na droga naman ay isinumite na sa PDEA laboratory para sa chemical analysis at proper disposition nito.

Sa kasaukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng PDEA na maaaring maharap sa mga reklamo at kaso sa ilalim ng violation of Compherehensive Dangerous Drugs Act.