Arestado ng mga otoridad ang isang South African national matapos na makuhanan ng P47.6-M halaga ng shabu sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Sabado, Agosto 16.
Sa isang pahayag, kinilala ang suspek bilang si alyaas “Antonie” na dumating sa paliparan bandang 7:30pm ng gabi sakay ng Cathay airways Flight CX 748 mula sa Hong Kong.
Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG), nasabat ang higit kumulang 7,000 gramo ng shabu.
Matapos na maaresto ang banyaga ay agad naman na na-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laboratory Service aang mga shabu na siyang isasailalim pa sa isang qualitative at quantitative examination at proper disposition.
Samantala, kasalukuyan naman nahaharap ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa violation of the Comprehensive Dangerous Drug Act kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang importasyon ng mga iligal na droga.