-- Advertisements --

Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hindi bababa a P74.8 milyong halaga ng iligal na droga sa Sorsogon nitong Sabado.

Naglalaman ng 11 kilo ng hinihinalagang shabu at iba pang paraphernalia ang mga nakumpiskang mga bagahe na siyang naharang sa Matnog Port.

Ang naturang operasyon nman ay ikinasa sa pangunguna ng PCG sa pakikipagugnayan na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ilang mga law enforcement agencies.

Ayon naman sa PCG, mismong ang PDEA ang nagbigay ng tip sa kanilang tropa na mayroong illegal drugs transporting na magaganap sa loob ng pantalan.

Agad naman na nag-deploy ang mga otoridad ng K-9 units kung saan dalawa mula rito ang nakaramdama ng presensiya ng iligal na droga dahilan para sumailalim pa ang mga gamit sa malalim na pagsusuri.

Samantala, arestado naman ang dalawang suspek na isang 19 anyos na tubong Lanao del Sur at isang 34 anyos na mula naman sa San Miguel, Manila.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.