Pinakilos na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga intelligence units at mgaing ang kanilang tracker teams para hagilapin ang mga akusado na sangkot sa Davao Occidental ghost flood control projects case.
Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., isa na sa pinahahabol sda PNP sina Sarah Discaya at iba pa na sangkot umano sa naging anomalya sa mga naturang proyekto.
Ani Nartatez, matapos na ibiogay sa kanila ang direktiba na ito ay agad na nilang ipinwesto at inihanda ang sapat na bilang ng kapulisan at agad na ring nakipagugnayan sa iba pang mga ahensya at law enforcement agencies para sa pagsasakatuparan ng operasyon.
Ang mga paghahanda aniya na ito ay naglalayon na maramdaman umano ng mga sangkot sa anomalyang ito na wala na silang ibang maaaring magawa kung hindi ang sumuko.
Samantala, binigyang diin naman ni Nartatez na hinaharap ng Pambansang Pulisya ang mga direktibang ito ng may sense of urgency at itinuturing bilang prayoridad sa ngayon ng kanilang organisasyon.
Samantala, mahigpit naman na nakikipagugnayan na ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) Philippine Coast Guard (PCG) at maging sa mga otoridad sa mga paliparan at maging sa mga lokal na pamahalaanm upang matiyak na hindi makakalabas sa kahit anumang exit si Discaya at iba pang akusado.
















