-- Advertisements --

Nanindigang dumaan sa tama at legal na proseso ang naging pagkumpiska ng mga otoridad sa mga luxury cars na kasalukuyang iniuugnay kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinunod ng mga otoridad ang proseso na siyang nakabatay sa valid at mga umiiral na batas para matiyak na ang mga ikinakasang operasyon ay isinasagawa ng may transparency, paggalang sa due process at maging sa mga karapatan ng mga sangkot.

Bilang tugon naman sa mga nagng pahayag nig legal counsel ng panig ni Co, sinabi ng hepe na ang operasyon ay ikinasa sa pamamagitan ng isang kautusan na mula sa mga otoridad na siyang sinunod at tinugunan lamang ng pulisya.

Kabilang naman sa mga nakumpiskang mga sasakyan ng dating mambabatas ay ang mga high-end models gaya ng Rolls-Royce, Toyota Sequoia, Cadillac Escalade at Lexus.

Samantala, ito aniya ay bahagi ng kanilang pagsuporta at pasrtisipasyon sa inisyatibo ng pamahalaan laban sa korapsyon at usapin ng flood control projects.

Pagtitiyak naman ni Nartatez, nananatiling aktibo ang buong hanay ng Pambansang Pulisya para patuloy na matukoy at tuluyan nang madakip ang lahat ng mga personalidad na sangkot sa maanomalyang flood control scandal.