Magtatalaga ng halos 70,000 na tauhan ang Philippine National Police (PNP) para sa paguumpisa ng Simbang Gabi sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 24.
Ang mga pulis ay nakatakdang italaga sa mga simbhan at iba pang mga lugar na posibleng dagsain ng publiko para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng ganitong panahon.
Sa isang pahayag, inihayag din ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mas palalakasin din ng PNP ang ang pagsasagawa ng mga patrolya, pagpapatupad ng checkpoints at paglalagay ng mga mobile units sa mga paligid na sakop ng simbahan.
Kasabay nito ay pinalakas rin ng Pambansang Pulisya ang kanilang ugnayan sa lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay at simbahan para samaayos na crowd management at mabilis na pagresponde.
Samantala, kabilang naman sa mga binabantayan ngayon ng PNP ang mga insidente ng pagnanakaw, pickpocketing at maging ang daloy ng trapiko sa paligid ng mga area na ito.
Pinaghahandaan din ng PNP ang mga posibleng potential fire hazards at maging iba pang emergencies para sa agarang pagaksyon sa panig ng pulisya.
Tiniyak rin ng PNP sa publiko na sila ay nakabantay at handang magbigay seguridad para sa mas maayos at makabuluhang pagdiriwang ng Pasko.
















