-- Advertisements --

Mas pinalakas at pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang koordinasyon sa iba pang mga ahensya upang mapabilis ang pagtukoy sa kasalukuyang lokasyon ng puganteng si Cassandra Ong na sangkot sa mga naging iligal na operasyon ng Lucky South 99.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layon nito na mas palakasin pa ang mga aksyon kontra sa iligal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming operations (POGO) para matiyak na mapapanagot ang mga personalidad na nasa likod ng mga iligal na katibidad na ito.

Maliban sa mga lokal na ahensya ay pinalakas na rin ng PNP ang kanilang pakikipagugnayan sa mga foreign counterparts para sa tracking ng mga naging paglalakabay ni Ong sa ibang bansa at nang agad na maibalik ang pugante sa Pilipinas para sa pagaresto nito.

Matatandaan kasi na bataya sa mga naging piunakabagaong ulat na natanggap ng Pambansang Pulisya, huling namataan si Ong sa Japan matapos na makalaya mula sa pagkakaditene nito.

Samantala, iniangat na rin ng PNP ang impormasyon sa International Criminal Police Organization (Interpol) kasunod ng inilabas na red notice laban sa naturang suspek.

Tiniyak naman ng PNP na papapanagutin nila ang mga personalidad sa likod ng mga human trafficking violations na ito at sisiguruhing lahat ay haharap sa mga kaukulang kaso at pannagutan.