-- Advertisements --

Mariing na kinondena ni Senator Risa Hontiversos ang mga kamakailan lamang na pag-water cannon ng mga barko ng China sa mga lokal na mangingisda sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, inihayag nin Hontiveros na ang mga naging aksyon na ito ng China ay nagpapakita lamang ng malakas na intensyon nitong kamkamin ang mga teritoryong hindi nila pagmamay-ari kahit pa makasakit ito ng ibang tao.

Dagdag pa ng senador, hindi na nga nakakapaghanapbuhay ng maayos ang mga mangingisda dahil sa mga bantang dala ng mga chinese vessels na ito sa WPS ay sinaktan pa aniya ang mga ito.

Binigyang diin din ng senador na hindi dapat maiwanang ‘defenseless’ ang mga mangingisda ng Pilipinas at inihayag na dapat na magtalaga ng pa ng mas maraming coast guard personnels at maging mga barko ang panig ng Pilipinas na maaring sumama sa mga mangingisda sa WPS.

Dapat aniyang punan ng malinaw na budget at sapat na suporta ang bganitong mga klase ng inisyatibo at huwag sana aniyang hayaang walang proteksyon ang mga nnormal namamamayan ng bansang naghahanapbuhay sa katubigan na sakop ng WPS.

Giit pa ni Hontiveros, hindi lamang ito ang unang bes na may nasaktan sa mga naging panghaharas na ito ng China at binigyang diin din na kailangan nang maging handa ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagsasagawa nito ng mapapanganib at agresibong aksyon na pwedeng maglagay sa buhay ng mga mamamayan sa alanganin.

Samantala, nauna nang naiulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong Pilipino ang sugatan bunsoid ng naging water canon incident na ito na kasalukuyan naman na aniyang nakabalik na sa kani-kanilang mga pamilya.