Maglalabas ng show-cause orders ang Senate Blue Ribbon Committee laban sa dating congressman Zaldy Co at sa umano’y security aide niyang si Orly Guteza dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ukol sa flood control controversy.
Ayon kay panel chair Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, susunod muna sila sa Supreme Court ruling kaya show-cause order ang unang hakbang bago posibleng contempt at warrant of arrest kung hindi magiging satisfactory ang paliwanag.
Hindi matukoy ang kinaroroonan ng dalawa, bagama’t pinaniniwalaang nasa Portugal si Co, habang si Guteza ay naunang na-ugnay sa Marine custody.
Si Co, dating House appropriations chair, ay sentral na personalidad sa flood control anomaly at nahaharap sa arrest warrant kaugnay ng isang proyekto sa Oriental Mindoro. Si Guteza naman ang nagbunyag umano ng pag-deliver ng kickbacks sa ari-arian nina Co at dating Speaker Martin Romualdez, na kapwa itinanggi ng dalawang politiko. (report by Bombo Jai)
















