Binitay ng gobyerno ng Singapore ang tatlong katao na matapos hatulan dahil sa kaso ng iligal na droga.
Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 17 na mga ibinitay ng gobyerno ng Singapore ngayong taon na siyang pinakataas na bilang mula noong 2003 ng ito ay ipinatupad.
Noong nakaraang linggo rin ay nagkaroon ng constitutional challenge ang death penalty na nakatakdang dinngin sa korte.
Isa ang Singapore na may pinakamabigat na parusa laban sa mga lumalabag sa iligal na droga.
Mahaharap sa parusang kamatayan ang sinumang nagpupuslit, nagbebenta, nagbibigay o namamahala ng iligal na droga ng mahigit na 15gramo ng diamorphine, 30g ng cocaine, 250g ng methamphetamine at 500g ng cannabis.
Ipinagtanggol ng Singapore na kapag tinanggal nila ang parusang bitay ay tiyak na tataas ang bilang ng magbebenta ng iligal na droga.
















