-- Advertisements --
Isa nang tropical depression ang dating low pressure area (LPA) sa silangan ng Davao City nitong umaga, ayon sa state weather bureau, at tinawag na itong Ada.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras at bugso na hanggang 55 kilometro kada oras.
Inaasahang makaaapekto ang bagyo sa Bicol Region, Eastern Visayas, at silangang bahagi ng Central at Northern Luzon sa mga darating na araw.
Hindi rin inaalis ng state weather bureau ang posibilidad na ito ay mag-landfall habang kumikilos pa-northwest.
Sa Biyernes at Sabado, inaasahang pinakamalapit ang bagyo sa kalupaan ng bansa.
Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko na maghanda laban sa posibleng malakas na ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.
















