-- Advertisements --

Naglabas ng Maritime Safety Advisory ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos maitala ang libo-libong pasahero at daan-daang rolling cargoes na na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao ngayong Enero 15, 2026.

Sa Eastern Visayas, kabilang sa mga apektadong pantalan ang San Juan, Saint Bernard, Benit, Magallanes/Triana, Padre Burgos, Maasin, Sta. Clara, Dapdap, Looc, at Bato kung saan 992 pasahero, 298 rolling cargoes, at 5 vessels ang na-stranded. Sa Bicol Region, naitala sa Castilla, Pilar, at Masbate ports ang 323 pasahero, 129 rolling cargoes, at 6 vessels na hindi nakabiyahe.

Samantala, sa Northeastern Mindanao, kabilang ang Eva Macapagal, Lipata, at Hayanggabon ports na nag-ulat ng 473 pasahero at 146 rolling cargoes na na-stranded. Bukod dito, 11 vessels ang kasalukuyang nagtatago o taking shelter upang makaiwas sa masamang panahon.

Sa kabuuan, 16 na pantalan ang apektado ng bagyo na nagresulta sa 1,788 pasahero, 573 rolling cargoes, at 11 vessels na na-stranded, habang 11 vessels naman ang pansamantalang nagkubli.

Ayon sa PCG, patuloy ang kanilang pagbabantay at koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero at crew. Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang paglalayag habang nananatiling aktibo ang Tropical Depression Ada sa Philippine Sea.